I hope sana wag kang mag-react or mailang sa mga sasabihin ko kasi wala naman akong masamang ibig sabihin.
Bago ako magsimula I just want to say sorry sa mga text ko hiyang-hiya nako sayu kaya hindi nako nagtetext.
Kasi siguro naiinis o nagagalit kana sakin kaya simula nun hindi nako nagtetext pero gustong-gusto talaga kitang makatext pero umiiwas nako kasi baka mailang ka.
Ito talaga yung mga gusto kong sabihin pero inunahan ako ng takot at kaba.
And alam kong bago ako mag-Deactivate hindi ako matatahimik kung hindi ko sasabihin ang totoo.
Kung maaari pakinggan mong mabuti lahat ng sasabihin ko hanggang sa huli kasi mahalagang-mahalaga to para sakin.
Ang totoo nyan nagsimula to simula nung magkita tayu ulit.
Naaalala mo bayung muli nating pagkikita nung binigay mo sakin yung mga pictures para sa Birthday mo.
Ang totoo nyan nakaramdam ako ng sobrang saya nung makita kita.
Hindi ko alam pero sobrang saya ko talaga.
Siguro dahil narin sa almost 6 months na hindi natin pagkikita.
Nung ini-edit ko yung mga pics mo nakakaramdam ako ng sobrang pagkamiss para sayu.
Madalas naiisip kita.
Madalas naaalala ko yung mga nakaraang magkasama pa tayu.
Marami akong na realize simula nun.
And the more na ini-edit ko yung video day by day the more na mas lalo kitang naiisip.
Mas lalo kitang gustong maka-text, maka-usap at mas lalo kitang gustong makita.
Tiniis ko lang kasi baka may boyfriend kana.
Sa pagtitiis ko it’s like parang ti-nu-torture ako kasi hindi kita makalimutan.
After nun naisip ko na gawan ka ng something special.
Naisip ko na gawan ka ng video na alam kong magbibigay sayu ng isang magandang ala-ala.
Kaya naisip ko na pumunta-punta sa mga friends, churchmates, family at classmates mo.
Wala nakong paki-alam kung mahirapan ako ang mahalaga magawa ko tong video na to para sayu.
Hindi ko ginawa yun para magustuhan mo.
At hindi ko ginawa yun para humingi ng kahit anong kapalit.
Ginawa ko yun kasi ginusto ko on my own will.
Pero the more na ginagawa ko yun the more na nakikita ko yung halaga mo.
Masaya ako nung matapos ko yung video.
Nung makita kitang masaya at natutuwa habang pinapanood mo yung video sobra-sobra ang saya ko.
Na miss ko yung masayang Keizy na madalas kasama ko.
Hindi ko makalimutan yun hanggang ngayun.
Nung paalis na ko nalungkot ako kasi kulang yung time ng pagkikita natin.
Pero wala akong nasakyan sa labas.
Naisip ko na sign ba to para makasama kita ulit kahit isang saglit.
Nung hinatid kita sa bus papuntang Salitran.
Hindi ko matiis na hindi ka samahan.
Hindi ko matiis na hindi ka pagmasdan.
Hindi ko alam kung bakit.
Masayang masaya ako nung makasama kita sa church and I feel so blessed.
Pero nung umalis ka na papuntang Makati nalungkot ako.
Tapos nun hindi na kita makalimutan.
Pakiramdam ko gusto pa kitang makita.
Pakiramdam ko gusto pa kitang makasama.
Hindi ko alam sa sarili kung dapat ko bang sabihin to ngayun pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko to nasasabi sayu.
Kayeh magtatapat nako sayu.
Kayeh siguro nga “Mahal Kita” kaya siguro ako nagkakaganito.
Narealize ko after all this time may feelings parin ako para sayu.
And it feels na dumoble pa simula nung magkita tayu ulit.
Hindi kita makalimutan parati kang nasa isip ko.
Nung nasa ospital ako ikaw yung nasa isip ko.
Nagsisisi ako nung iniwan kita.
Umiwas ako nun kasi I feel unworthy para sayu.
Umalis ako iniwan kasi gusto kong hanapin yung sarili ko.
Madalas nagkakaroon tayu ng mga arguments at malungkot ako pagnangyayari yun.
Nagsisisi ako kung bakit pa kita pinakawalan.
Ikaw yung naging inspirasyon ko simula nung college.
Nung iniwan kita nawala rin yung inspirasyon ko sa buhay.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpupursige sa buhay ngayun.
Ikaw ang dahilan ng pag Grow ko para mas lalo akong magbago.
Nung malaman ko na may gusto ka ng iba nasaktan ako ng husto.
Ang sakit sobrang sakit ngayun lang ako nakaramdam ng ganung pakiramdam.
Nakaramdam ako ng sobrang pagsisisi at lungkot.
Madalas tinitignan ko yung mga wall post mo and nasasaktan ako pagnakikita ko yung mga love post mo kasi alam kong para sa lalaking gusto mo yun.
Sa ngayun balak ko munang mawala Kayeh.
Mawawala ako kasi gusto kong ayusin ang buhay ko.
Nung na-ospital ako ang dami kong narealize sa buhay.
Gusto kong bumawi sa mga bagay na nawala sakin.
Gusto kong bumawi para sa pamilya ko.
Gusto ko pang baguhin ang sarili ko na kapag nagkita tayu ulit ibang tao na ang kilala mo.
Hindi narin ako makapag focus sa ginagawa ko pagnakikita kita sa Facebook kasi madalas naiisip kita.
Ikaw ang inspirasyon ko sa lahat at wala ng iba.
Babalik ako Kayeh babalik ako.
Sa pagbabalik ko gusto kong umulit ulit, gusto kong mag simula ulit, gusto kong bumawi sayu.
Gusto kong gawin lahat-lahat para lang mahalin mo.
At sa pagbabalik ko gusto kong bumalik sayu kasi wala nakong ibang babalikan pa kundi ikaw lang.
Kung wala nakong babalikan tatanggapin ko kasi Mahal Kita.
Sabi nga nila maraming isda sa karagatan pero ang totoo mahirap ng makahanap ng isang perlas na kagaya mo na kapag nakuha na wala na.
Sa pagbabalik ko sana andyan kapa
Pero kung wala na handa akong magparaya kasi Mahal kita.
Paalam……….